Health

Libreng ligo sa onsen kapalit ng mask

Isang onsen hot spring facility sa Yawatahama(Ehime) ay may campaign na hindi pangkaraniwan.
Kapalit ng bagong mask na hindi pa nagagamit, ang “Abeno Mask”. Pwede ng makapasok ang customer ng libre sa pasilidad ng nasabing onsen.
Ang mga makokolektang masks ay idodonate sa Health Center ng nasabing lugar upang maipamahagi naman sa mga paaralan doon.
Kumpara noong nakaarang taon sa parehong buwan, bumaba sa 65% ang bilang ng mga customer sa nasabing onsen kung kaya’t inaasahan nila na ang naisip nilang campaign ay magbibigay ng positibong resulta upang muling manumbalik ang sigla sa kanilang negosyo at makatulong din sa mga nangangailangan.
Ang promo na ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Source: Asahi News

To Top