General

License Renewal at training para sa mga Seniors, pansamantalang suspendido

Mula April 13, sinuspinde ang pag-renew ng lisensya sa pagmamaneho at pagsasanay sa matatanda. Inihayag ng Kagawaran ng Pulisya ng Metropolitan na, kasunod ng pagkalat ng coronavirus, ang pag-rerenew ng lisensya sa pagmamaneho na ginaganap sa tatlong istasyon ng pagsusulit ng lisensya sa pagmamaneho at mga istasyon ng pulisya sa Tokyo ay sinuspinde nang walang katiyakan kung kelan ulit magbubukas. Tungkol sa pag-renew ng lisensya, nangangahulugan ito na ang mga tao na malapit na ang petsa ng pag-expire ng kanilang mga lisensya hanggang sa katapusan ng Hulyo ay tatanggap ng mga extension sa counter o sa pamamagitan ng mail, at makikipag-ugnay sila sa mga indibidwal na reserbasyon para sa nakatakdang senior course para maipaalam sa kanila ang tungkol sa pagsuspinde. Gayunpaman, patungkol sa paksa ng lisensya sa pagmamaneho / kasanayan sa pagmamaneho, ang mga taong walang mga nakatakdang petsa o reserbasyon ay hihilingin na huwag na munang kumuha ng test.

Source: ANN News

To Top