General

Limang Hakbang Upang Malabanan ang Stress

“Stress is our perception of what’s happening outside of us and the power we give it.”

-Lauren E. Miller,

5 Minutes of Stress Relief

 

 

Kung maraming dahilan ang stress, napakarami rin paraan upang maiwasan ito. Dapat harapin ng isang indibdwal na ang stress ay parte na ng pamumuhay. Ang bawat tao ay nakakaranas ng stress at may kanya kanyang pamamaraan upang maiwasan at alisin ito. May mga bagay na nakaka-stress para sa isang tao ngunit hindi naman para sa iba. Subalit, mayroon din mga bagay na maaaring sundin ng lahat upang mapawi at maiwasan ang stress sa araw-araw.

 

Kung papaano pangasiwaan at hawakan ng bawat isa ang stress, maaaring makaapekto ito sa kalusugan, kaligayahan at buong pagkatao ng isang tao.

 

Ayon sa isang pahayag ng Huffington, may limang hakbang upang maiwasan ang stress:

 

#1. Isipin kung paano mo tingnan at bigyang pansin ang mga bagay-bagay. Iwasan ang pagbibigay atensyon sa maraming bagay na nakapaligid sayo. Iwasan ang pag-iisip ng mga hindi magagandang pangyayari sa buhay. Kung ikaw ay nalulungkot o distracted at nadidismaya sa mga bagay na nangyayari sa iyo, Humanap ng paraan na pwede mong pagkaabalahan tulad na lamang ng yoga, cooking lesson o crafts at iba pang proyekto. Masyadong malakas ang utak ng isang tao, kaya nitong imanipula ang buong kilos mo, kung ang lahat ng bagay ay hahanapan mo ng positibong epekto, BIG STEP ito sa pag-iwas sa stress.

 

#2. Huwag mo lamang basta kalimutan ang nagpapa-stress sa iyo, isigaw mo ito. Maaari mong lasapin ang sakit at problema na nakakapagpabagabag sa iyo, at ilabas ito sa pamamagitan ng salita. Sa isang sigaw mo ay maaaring mailabas ang negatibong epeko nito sa iyong loob.

 

#3. Gamitin ang imahinasyon sa pagbabago ng mga pangayayari sa buhay, hanggang maging totoo na ito. Mag-meditate ka tuwing nakakaramdam ng stress. Isa itong paraan upang i-relax ang utak at isip. Isipin mong walang stress sa mundo. Umisip ng lugar at oras na gusto mo. Isipin mong tahimik at payapa ang mundo mo. Hindi man ito totoo, darating ang panahon na lahat ng pinapasan mo ay mawawala rin.

 

#4. Isipin na ang buhay mo ay isang Film o palabas. Isa kang director sa sarili mong buhay. Nasa sayo ito kung gusto mong maging comedy, malungot at horror ang buhay mo. Umisip ka ng paraan para mapaganda ang takbo ng istorya nito, kontrolahin moa ng bawat tao sa imahinasyon mo.

 

#5. Mag-FOCUS sa mga mahahalagang bagay lamang. Ang buhay ay masaya at napakaganda. Iwasan mo ang magpaapekto sa mga bagay na makakasira at makakasama para sa iyo. Iwasan ang pagiging negatibo sa buhay at ugaliing maging kuntento. Huwag humanap ng mali sa sarili at ikumpara ang buhay mo sa ibang mas nakaka-angat sa iyo. Pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka at pag-aari mo. Hind kinakailangan na lahat ng mayroon ang iba ay nasa iyo rin. Maganda ang mamuhay ng tahimik, masaya at produktibo. Ang lahat ng mahahalaga, ay dapat unahin.

 

Maging masaya ka para sa iyong sarili, huwag mong hayaang sirain ka ng stress dahil yan ang magpapabagsak sayo. Ang stress ay nasa utak lamang ng lahat at maaaring makaapekto sa isang tao sa maraming paraan, ngunit huwag pairalin ito. Hindi maganda ng idudulot nito sa relasyon mo sa mga taong nakapalibot sa iyo. Sa lahat ng bagay na nangyayari sa sayo, tingnan mo ng positibo ito at gawan ng hakbang at hanapan ito ng solusyon. Kung ikaw ay magiging masayang tao, mas magiging positibo ang mga gagawin mo sa hinaharap.

To Top