General

Lindol na 6.1 Magnitude yumanig sa Wakayama

magnitude-6.7-lindol_Lindol sa TOKYO –
Niyanig ng isang malakas na 6.1-magnitude na lindol ang Wakayama Prefecture pasado alas- onse ng umaga ngayong araw na ito, ngunit ang mga lokal na awtoridad ay nagsasabing hindi nagkaroon ng panganib na magdulot tyansang magkaroon ng isang tsunami.

Ang Japan Meteorological Agency ay nagkumpirma na nagkaroon nga ng lindol kaninang 11:39 ng umaga mula sa baybayin ng Pacific coast at may lalim na 10 kilometro. Ang epicenter ay nasa layong 170 kilometro timog-silangan ng Osaka.

Ang lindol ay nagtala ng 4 sa mga Hapon seismic scale ng 7 sa katimugang bahagi ng Wakayama, pahayag ng ahensiya.

Walang anumang pinsala o peligro na iniulat bagama’t malakas ang pagyanig na naganap na nagdulot ng sapilitang pansamantalang paghinto sa pagtakbo ng ilan sa mga bullet train ng bansa , sa ulat ng pampublikong broadcaster NHK.

Ang bansang Japan ay nakapwesto sa paligid ng kanto ng apat na tectonic plates na syang dahilan kung bakit nakakaranas ang bansang ito ng 20 porsiyento ng pinaka-malalakas na lindol sa buong mundo.

Ngunit matibay ang building code at mahigpit na ipinapatupad na ibig sabihin ay kahit malakas tremors o pagyanig na nagaganap kadalasan dulot ng mga lindol ay kaunti pinsala o naiuulat na casualties.

Nitong nakaraang buwan ay nagkaroon na ng halos 29 beses na iba’t ibang pagyanig sa iba’t ibang parte ng bansa.

 

#Japinoy #Japinonet

To Top