Lip Balm epektibo raw upang maiwasan ang pagpasa ng coronavirus
Inanunsyo ng mga French Researchers na ang lip balm ay epektibo raw umano sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus mula sa bibig, na isa sa mga ruta ng impeksyon ng coronavirus. Ang pananaliksik ay isinasagawa ni Propesor Abcarian ng University of Montpellier, France. Sa panahon ng pakikipagusap, lalo na kapag binibigkas ang P o B, isang thread ng laway ang nabubuo sa pagitan ng mga labi, at sumasamang nailalabas sa hangin. Gayunpaman, kapag gumagamit ng lip balm, magiging mahirap para sa laway na mamuo at maging thread, at para sa ilang mga tao, ang halaga ng pananatili at pagkalat sa labi ng laway ay mababawasan sa isang-kapat.
Pahayag ng Propesor Abukarian: “Nagtataka ako kung ano ang mangyayari kung susubukan kong baguhin ang quality sa ibabaw ng aking mga labi. Sa aking pagsasaliksik, ang paggamit ng isang cream na para sa moisturizing atbp ay nakakatulong sa pagbawas ng dami ng mga droplet (himatsu).” “Ang epekto ay naiiba depende sa tunog o paraan ng pagbigkas ng mga salita. Ang lip balm ay hindi kapalit ng facemask dahil ang epekto nito ay hindi pangmatagalan, ngunit ipagpapatuloy ko ang aking pagsasaliksik ukol rito.”
https://youtu.be/TK_CVuIQej0
Source: ANN NEWS