Karamihan sa ating mga kababayan ay nangingibang bansa upang magtrabaho. Ang ilan naman ay nais lang mamasyal at maglibang. Anuman ang dahilan ng iyong pangingibang-bayan, ingatan ang iyong gamit. Ngunit paano kung ang bagahe mo ay nawala sa eroplano o sa kanilang mga shuttle bus? Eto ang mga maaari mong gawin for lost luggage issues:
Bagahe
Lahat ng mga bagahe ay sumasailalim sa mahigpit na mga pamamaraan sa seguridad at kontrol. Ang iyong kaligtasan ay ang pangunahing alalahanin ng mga airport personnel.
Kung iyong nailagay sa ibang lugar ang isang bagay tulad ng bagahe o anumang gamit sa alin mang terminal o shuttle bus, ipaalam ito kaagad sa mga kawani. Tutulungan ka nilang hanapin ito sa pamamagitan ng mga installed CCTVs.
Airlines
Ang mga items na nawala o naiwan sa mga sasakyang pang-himpapawid ay hawak ng ground handling agent ng airline. Ang Manila International Airport Authority ay hindi maaaring iproseso at walang access sa impormasyon tungkol sa anumang mga bagay-bagay na naiiwan sa sasakyang panghimpapawid o bagahe na nawala sa pamamagitan ng airlines.
Terminal
Karamihan sa mga bagay na naiwan ng kanilang mga may-ari sa terminal ay naka-ibabaw sa Intelligence at Investigation Division (IID) sa Terminal 1. Kaya nilang pagtugmain ang mga reported na nawawalang items sa mga bagay na nakalagak sa kanilang pag-iingat.
Ground Transportation
Para sa mga item na naiwan sa anumang MIAA accredited ground transportation, ang mga pasahero ay maaaring magpadala ng isang text message sa kanilang service hotline (0917) 839-6242 (TextNAIA) na magagamit 24 na oras araw-araw.
Upang mapabilis ang iyong query, isama ang sumusunod na impormasyon sa SMS:
- Detalye ng flight
- Taxi number plate o dispatch slip number
- Petsa at tinatayang oras mo in-avail ang serbisyo sa transportasyon
- Detalye ng mga item naiwan
image: John Trainor/Flickr