Good luck charms are predominant in Japan because these are primal parts of its socio-cultural ideals that distinctively define its provocative sense of awareness when it comes to the continuing saga of overall progress and development since time immemorial. Lucky charms in Japan are presumed to provide protection and guidance for the wearer no matter what he or she does. These are commonly placed in Japanese homes, walls, purses and the likes. As far as their effectiveness is concerned, these will depend upon on the so-called placebo effects or high-powered blessings from Above. Generally, these are more popular during New Year’s Day and examination days for students.
Paano Nagsimula ang mga Lucky Charms sa Japan?
Ang mga sinasabing lucky charms in Japan ay naging tanyag dahil sa relihiyong Shintoism at Buddhism. Ayon sa kasaysayan, ito ay tinatawag na Omamori. May mga pagkakaiba ang mga pampa-suwerteng ito ayon sa relihiyong kinabibilangan ng nagmamay-ari nito. Una sa lahat ay ang mga uri ng dasal na nakapaloob dito. Nakatakip ang mga anting-anting na ito ng silky cloth na nakatatak ang lugar kung saan ito binili. May mga palatandaan o codes din ang mga talisman. At ang pinakamahalaga sa lahat, ito ay inilalagay sa labas ng bag ng may-ari nito.
Ngunit ang mga kapansin-pansin sa mga pampasuwerteng ito ay ang pagbulong ng salitang sayonara lalo na kung natupad na ang iyong mga kahilingan. Upang mas lalong maging mabisa ang mga lihim na karunungan, dapat ito ay may palatandaan ng wear and tear. Ibig sabihin, anumang uri ng omamori ay dapat nagamit sa magandang paraan sa paglipas ng panahon.
Sakaling ito ay mawalan na ng bisa, ito ay dinadala sa isang banal na templo kung saan ito binili at saka susunugin sa apoy o open fire. Matapos nito, maaari ulit bumili kung nais masubukan ng isang tao ang angking galing ng mga charms. Ang mga Japanese lucky charms na ito ay mabibili sa 1,866 na shrines at 2,868 na mga templo sa buong panig ng Japan.
Omamori Para sa Pagtatagumpay: Pinakatanyag na Talisman sa Japan
Ang success talisman ay tinagurian bilang pinakamabiling lucky charm sa bansang ito. Ang sinumang gagamit nito ay magkakaroon ng kakaibang kakayahan upang maitawid ang taglay nitong enerhiya patungo sa layunin ng gumagamit. Ayon sa paniniwala ng mga Hapones, ang mga kapangyarihang tulad nito ay may mahigpit at may matamis na pangako na matutupad ang anumang kahilingan ng isang tao, Karamihan ng mga ganitong uri ng talisman ay may larawan ng isang pana. Ito ay sumisimbulo sa relihiyong Shintoism.
Talisman ukol sa Pananalapi
Ang agimat ng mga Hapon na may kaugnayan sa pananalapi ay may hugis na money bag. Ito ay maingat na binalot sa dilaw na sisidlan. Iba’t-iba rin ang mga uri nito. May nakalaan para sa pag-iimpok, negosyo, mga investments at iba pa. Mayroon rin naman para sa paghahanap ng salapi, mga pamana at ukol sa mga pagkakaroon ng mga diskuwento kung ang isang tao ay mamimili.
Tunay nga na nababalot ng misteryo ang mga lucky charms ng Japan. Ikaw, nakaranas ka na ba na magkaroon ng suwerte na di nauubos gamit ang alinman sa mga ito?
See also:
Japanese Lucky Charms for Money
Image from www.wikiwand.com