Ang lump sum payment ay sadyang malaki ang maitutulong sa isang retiradong manggagawa, maging ito ay Japanese citizen o isang foreign national na nagtrabaho sa isang kumpanya sa nasabing bansa. Ayon sa nilagdaang kasunduan ng Germany, France, United States Canada, Australia at Netherlands, ang withdrawal para sa lump sum payments in Japan ay isang legal na karapatan ng isang empleyado kung siya ay nagbabayad sa ilalim ng Japanese public pension sa loob ng higit sa anim na buwan.
Ang size ng lump sum payment ay nababatay sa coverage period na hangang 36 months lamang. Gayun din, kung ang lump sum ay naibigay ng lahat ang isang employee, wala nang matatanggap sa oras na siya ay nagpasiyang magretiro.
Lump Sum Payments in Japan: How to Apply
Sa mga nais mag-apply for a lump sum benefit, dapat mag-file sa lalong madaling panahon ang isang empleyado sa loob ng dalawang taon, matapos alisin ang iyong pangalan sa residence registry ng Japan. Para lubos na maunawaan, ito ay dalawang taon matapos lisanin ang bansa. Laging tandaan na ang isang foreign national ay di makakakuha ng ganitong uri ng benipisyo kung siya ay lehitimong residente pa rin ng bansa ayon sa nakasaad sa kanyang papeles.
Ang mga empleyado na tumanggap na ng mga allowances tulad ng disability ay di pinahihintulutang tumanggap ng lump sum. Pinakamahalaga sa lahat, ang empleyado ay dapat nagbabayad sa Japanese or employee’s pension. Sakaling pinapipirna o tinatakot ang isang empleyado ukol dito para makuha ng isang employer ang inyong pinaghirapan, ito ay maaaring mapawalang-bisa under duress grounds ayon sa civil laws ng Japan.
Gayun din, sinumang employer ang di magbalik ng salapimg ito, maaaring mag-file ng demanda ang isang manggagawa doon sa kaniyang home country. Para mas lalong maging madali ang proseso, maaaring kunin ang serbisyo ng isang Japanese lawyer. Mayroon rin namang mediation process sa pagitan ng dalawang partido ayon sa Labor Standards ng Bureau’s Inspection Division.