MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 6.1 magnitude ang Luzon kasama ang Metro Manila at kalapit na mga probinsiya kahapon ng alas 5:11 ng hapon.
Napaulat kagabi na, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, merong limang tao na nasawi sa kanyang lalawigan dahil sa lindol. Marami rin anyang nagbagsakang poste ng kuryente na nagdulot ng brownout sa lalawigan maging ang isang arko rito at isang supermarket ang gumuho. Hindi pa makuha ang pangalan ng mga nasawi habang isinusulat ito.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 002 kilometro ng hilagang silangan ng Castillejos, Zambales.
Una nang naiulat ang 5.7 magnitude na lindol pero ito ay naitaas ng Phivolcs sa 6.1 magnitude dahil sa tindi ng lakas ng lindol.
Sinasabing maraming bilang ng tao sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nakaramdam ng malakas na lindol dahilan para maglabasan ang mga nasa matataas na gusali.
Sinabi ni Phivolcs head Renato Solidum na malamang na gumalaw ang Manila Trench o ang fault line sa Zambales kayat nakasentro sa naturang mga lugar ang pagyanig.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga, Intensity 4 naman sa Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Baguio City; Marikina City; Las Piñas City; Intensity 3 sa – Dasmariñas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija at Intensity 2 sa Baler, Aurora so we can feel it,” paliwanag ni Solidum.
Sinabi nito na wala namang tsunami warning kahit na ang epicenter ng lindol ay sa lupa.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan nila ang pagkakaroon ng aftershocks at pagkakaroon ng damage sa naganap na lindol.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/04/23/1911892/luzon-niyugyog-ng-61-magnitude-na-lindol#PwzdW5zUo5kZ79dF.99