Naranasan mo na ba magkaroon ng mabahong paa? ‘Yung tipong paghubad mo ng sapatos ay aalingasaw ang nakakasukang amoy mula sa paa mo? O kaya naman ay may kakilala ka na ganito ang sitwasyon? Kung naghahanap ka ng solusyon para dito, narito na ang hinahanap mong solusyon.
1. Paggamit mo ng medyas. Nagagawang i-absorb ng medyas ang pagpapawis ng iyong papa. Pero siyempre kailangan ay palagi ka ring magpalit nito, baka naman kasi ang iisang medyas na suot mo ay pang-isang linggo na at hindi man lang nakakatikim ng laba.
2. Ang antiperspirant na ginagamit mo para sa’yong underarms ay mapapakinabangan mo rin para sa’yong mabahong paa. Wisikan mo lamang ito ng kahit isang beses sa isang araw. Ipagpatuloy mo ito hanggang sa wala ka nang naaamoy sa iyong paa.
Pagbabad ng iyong paa sa suka o sa maligamgam na tubig na may asin. Sa pamamagitan nito ay namamatay ang mga bacteria na nagiging sanhi kung bakit may hindi magandang amoy ang iyong paa.
4. Isa rin sa mahusay na taga-absorb ng bacteria ang gawgaw. Puwede mong ibabad ang paa mo sa may gawgaw o puwede rin naman na ipahid mo mismo ang gawgaw sa iyong paa at saka maghintay ng ilang minuto bago ito banlawan.
5. Kung minsan naman ang pagkakaroon ng amoy sa paa ay dahil din sa sapatos na iyong sinusuot araw-araw. Dapat ang pipiliin mong sapatos ay ‘yung makakahinga ang mga paa mo kahit papa’no at huwag ang sobrang sarado na nagiging dahilan ng pamamawis ng paa.
Source:Abante