Beauty

Madaling paraan ng pagpapapayat

Gusto mo bang pumayat pero hirap ka na sa pag-eehersisyo? O hirap kang layuan ang pagkain? May mga paraan naman para ikaw ay pumayat nang hindi nagda-diet to the max. Narito ang mga paraan na maaari mong subukan:

1. Kumain ng mansanas. An apple a day keeps the doctor away. Iyan ang sikat na kasabihan. Ang pagkain ng mansanas ay isang magandang habit din araw-araw upang ikaw ay pumayat. Ma­lakas kasi makabusog ang mansanas kaya kapag ito ang kinain mo ay mababawasan ang iba mo pang kinakain dahil busog ka na rito. Nagagawa rin nitong panatilihin ang glucose level ng ating katawan.

2. Uminom ng tubig. Ugaliin ang pag-inom ng tubig dahil nakakabusog rin ito at nakakapag­linis pa ng ating katawan. Kapag ramdam mo ang busog ay hindi ka na maghahanap pa ng pagkain maya’t maya.

3.No to merienda. Isa sa mga nakagawian nating mga Pinoy ang pagmemerienda. Kung minsan ay isinasabay natin ito sa pakikipag-bonding. Kung pagpapayat ang goal mo, i-ekis mo na ang mga merienda sa pagitan ng umagahan at tanghalian o tanghalian at hapunan. Lalo pa kung mata­tamis ang ating kursunadang merienda.

4. Uminom ng pinaglagaan ng luya. Nagagawa nitong pabilisin ang pagtunaw sa ating mga kinain na naiimbak sa loob ng ating katawan. Nagagawa rin nitong isaayos ang paggalaw ng ating mga bituka.

5. Matulog sa tamang oras. Kung inaakala mo na walang epekto sa’yo ang pagpupuyat, nagkakamali ka. Ang hindi pagtulog sa tamang oras ay nakakawala rin ng resistensya. Kung matutulog ka ng maaga, ito ay makapagpapabilis sa iyong meta­bolismo kung saan kaagad na matutunaw ang iyong mga kinain. Kapag ito ay iyong nagawa ay agad ding magiging magaan ang pakiramdam mo.

Source :Abante

Madaling paraan ng pagpapapayat
To Top