Arestado ang ang mag-asawa dahil sa kumpirmadong pagbebenta ng mga pekeng Luxury bags at items. Kinilala ang mga suspek na sina Seiji Matsui, 47-anyos at Park Jeong-Hoon 39-anyos at isang korean national.
Nadakip ang 2 noong buwan ng Enero sa isinagawang raid sa kanilang tahanan sa Tokyo, pinaghihinalaan ang mag-asawa na nagbebenta ng mga high grade imitation ng luxury branded items na agad namang nakumpira sa isinagawang pagraid sa kanilang tahanan sapagkat nakitaan sila ng iba’t ibang klaseng items na lumalabas sa Trademark Law ng bansang Japan.
Ayon sa Metropolitan Police Department, ang 2 ay umaming guilty sa pagbebenta ng mga nasabing items sa pamamagitan ng online transactions. Binibili nila umano ang mga nasabing items sa shopping area sa “Namdaemun” Seoul, Korea at ibinibenta nila ang mga nasabing items sa isang Internet auction. Nsa tinatayang 3.6 Million yen na umano ang kanilang kinita sa pagbebenta sa loob ng 2 taon simula December 2015.
Paliwanag ng mga suspek: ” Akala namin ok lang magbenta ng mga branded items online eh”. Katwiran pa nila, ginawa lamang nila ito upang magkapera.
Source: ANN News