Noong April 25 bandang 6:30 ng gabi, isang sasakyang ang naaksidente at nabangga sa siyudad ng Pippu, Hokkaido.
Ang driver ay nakakita ng isang maitim na bagay at huli na nang kanyang maaninagan na ang nabangga nya pala ay isang grizzly bear.
Sa pagbangga nito, ang sasakayan ay napatigil sa kabilang bahagi ng daanan at sinuwerte naman ang driver at wala itong natamong sugat. Samantala, ang bear naman ay mabilisang tumakbo patungong kagubatan.
Ayon sa impormasyon, sa panahon na ito, ang mga bears ay nagigising galing sa kanilang hibernation, at sila ay gutom at naghahanap ng pagkain. Ngayong buwan ay dumadami ang mga ganitong aksidente sa Hokkaido.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=6k2FTEphxwM