News

MAGATAAS NG PRESYO ANG “YU-PACK” NG POST OFFICE

Ang Japan post office ay nag anunsyo na magtataas ito ng presyo sa padala ng bagahe na “Yu-Pack”. Ang “Yu-Pack” ay madalas na ginagamit sa pang personal na pagpapadala o kapag magpapadeliver ng inorder sa internet.

Magtataas ito ng presyo, galing ng ¥110 ay magiging 230 yen simula sa March 1 ng susunod na taon. Kapag mas malaki ang bagahe ay mas malaki ang pagtaas ng bagahe. Nasa mahigit average na 12% ang pagtaas ng presyo.

Ang dahilan ng pagtaas ay dahil sa pagkukulang ng magdedeliver sa dami ng nagoorder online. Para ma solve ang problema na ito ay kailangan silang maghire ng mas madaming trabahador.

Source: ANN News

To Top