By
Posted on
Inilabas na ang makabagong salamin para sa mga salon. Ito ay isang teknolohiya na magagamit na konektado sa web upang makita ang hairstyles na nanaisin ng isang customer. May built-in cameras ito na maaaring makita ang sarili habang pumipili ng babagay at aangkop na ayos tulad ng haba, kulay at istilo sa gupit o ayos para sa customer. Sa hinaharap, ikokonekta na rin ito sa isang application upang makita ang record or history ng isang customer. Ang makabagong teknolohiya na ito ay tinatawag din na IoT o Internet of Things sa wikang Ingles. Ito ay isang konsepto kung saan may interaksyon ang mga tao sa teknolohiya sa pang araw-araw na aktibidad. Ang mga pagawaan ng nasabing teknolohiya ay umaasang makakapagpadagdag ito ng kompetisyon sa mga hairdressing salon industry.
Source: Tereto News