TOKYO, JAPAN – isang lindol ang namataan sa lungsod ng Tokyo ala-una ng hapon ngayong araw.
Isang magnitude 5.0 na lindol ang yumanig sa silangang bahagi ng Japan kaninang ala-una ng hapon ngayong araw ika-17 ng Hulyo. Ayon sa balita, ang sentro ng lindol ay nasa 44 kilometro hilagang-kanluran ng Tokyo.
Ayon sa Japan’s Meteorological Agency at ng US Geological Survey ay wala namang napaulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa nangyaring pagyanig. Ngunit agad tinignan ang estado ng Tokai No. 2 na isang nuclear power plant na nauna ng ipinasara noon pang taong 2011. Wala namang nakitang pagkasira sa nasabing nuclear plant.
SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.
#Japinoy #Japinonet