Ayon sa survey na isinagawa ng Gobyerno ng Japan, ang paggamit ng internet ng mga kabataan na may edad na 10 hanggang 17 years old, napag-alaman na 80% sa kanila ang gumagamit ng internet. Ang mga bata ay naglalaro ng mga games at ang mga teenager naman ay nanonood ng videos, kalahati sa mga users ay gumagamit ng smartphones.
Sa pagsusuri, napag-alaman na sa kabuohan, ang paggamit ng internet ng mga kabataan ay may average na 2 horas at 34 minutos kada araw. Ito ay 12 minutes na mas matagal keysa noong survey ng 2015. At ang 20% ng mga highschool students ay gumagamit ng internet ng mahigit sa 5 hours kada araw.
Ang mga magulang at mga guardians ay nagtatangkang gumawa ng paraan upang magkaroon ng limitasyon ng pag access ng mga site at ang horas na ginagamit ito.
Source: ANN News