May mura at madaling paraan ng paggawa ng isang scented na insect repellent para sa inyong mga tahanan. Hindi mo na kailangan pang bumili ng pagkamahal mahal sa supermarket.
I-enjoy ang mga gabing walang mga insekto gaya ng lamok na umiistorbo sa inyong pagtulog. Eto ang step by step na paraan sa paggawa ng isang home-made insect repellent.
Materials:
40 patak ng bawat isa – lavender, cedarwood, lemon and thieves essential oils
8 tangkay ng fresh rosemary
4 na mason jars
2 fresh lemon
2 fresh na dayap
Floating tea light candles, at
Tubig
Paraan ng paghahanda:
- Hiwain ang mga lemon at dayap.
- Sa bawat garapon, maglagay ng tig-dalawang tangkay ng rosemary.
- Lagyan ng 3/4 na tubig ang bawat garapon.
- Lagyan ng tig-10 patak ng essential oil na inyong gusto sa bawat garapon.
- Dahan-dahang haluin ito.
- Ilagay sa garapon ang tig-isang slice ng lemon at dayap.
- Kung kinakailangan, dagdagan pa ng kaunting tubig hanggang mapuno.
- Lagyan ng floating tea candle sa ibabaw.
- I-pwesto sa labas at sindihan ang kandila.
- Palitan ang mga tea lights kapag nalusaw na.
Note: Kada ika-2 o hanggang 3 araw, hugasang mabuti at palitan ang mixture sa mga garapon.
SOURCE: www.1mhealthtips.com
#Japinoy #Japinonet