Events

Malabo Na Nga Ba Ang Dayaan Sa Halalan 2016?

“Malabo na umanong makapandaya sa bagong makina na gagamitin sa eleksyon ngayong darating na Mayo 2016. Kung may magtangka mang mandaya ay imposible itong makalusot.”

“Ingatan po ninyong magkamali kayo ng shade sa pangalan ng kandidato, at hindi pwedeng magbura dahil lalabas iyon sa VCM na overvote at hindi mabibilang ang inyong boto at isa lamang ang inyong balota hindi na kayo bibigyan ng panibago kapag nagkamali kayo”

james-jimenez

-Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenes

Ito ay matapos and isinagawang demonstrasyon ng gagamiting Voting Counting Machine sa darating na halalan. Kaugnay nito ay sinabi pa niyang hindi maaantala at sa halip ay baka mas mapaaga pa ang pag-imprenta sa mga balotang gagamitin sa halalan.

Paalala ni Jimenez na ingatan ang mga balota ng mga botante dahil ang maiimprenta lamang ng Comelec ay isang balota sa kada botante.

 Paalala pa ni Jimenez sa mga kandidato na magpaskil lamang ng mga campaign material sa mga itinalagang lugar.  Hinikayat pa nito ang mga botante na magsumbong sa Comelec kapag may nakitang mga paglabag ang mga politiko.

Source: The Pinoy Chronicles-February Issue

To Top