General

Malakas na bagyong No. 13 papalapit na sa Tohoku

Ang malakas na bagyong no. 13 ay palabas na sa Kanto area at inaasahang ngayong hapon na ito ay mananlasa nag bagyong ito sa Tohoku region. Asahan ang malakas at pabugso-bugsong hangin at ulan sa lugar na madadaanan ng bagyong ito lalo na ang m,ga malapit sa baybayin ng karagatan. Lumikas kung kinakailangan.

Nagsimula ang bagyo sa Kanto area na kung saan ang lubos na apektadong lugar ay ang chiba prefecture na kung saan umabot sa 27.5m ang wind speed. Sa ngayon ay papunta na sa ibaraki ang direksyon ng bagyo, humupa na ang pagsungit ng panahon sa Kanto area ngunit ang Tohoku at ilang bahagi ng East Japan naman ang nakakanas ng humigit kumulang 15m wind speed. Inaasahan na babaybayin ng bagyo ang northeast na bahagi ng japan ngunit may kabagalan ang pagkilos nito kung kaya’t inaasahang tatagal pa sa bansa ang bagyo hanggang sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang mga nasa tabing dagat na magingat sa “storm surges” at malakas na hangin at pagulan.
https://www.youtube.com/watch?v=Z9ZcXzFr-gk

Source: ANN News

Malakas na bagyong No. 13 papalapit na sa Tohoku
To Top