News

MALAKAS NA PAG-ULAN NARANASAN SA PROBINSYA NG AKITA

Pagkatapos ng Fukuoka, ngayon ay sa Akita Province naman ang nakaranas ng malakas na pag-ulan.

Nakalipas na ang peak ng malakas na pag-ulan ngunit naka-alerto pa din sa evacuation ang nasa 80,000 katao. Ang ilog ng Omonogawa at Imogawa ay umapaw at binaha ang mga kabahayan, hardin, at mga plantasyon ng bigas. Dahil sa pagbaha sa mga riles ng train, itinigil ng JR ang linya ng shinkansen sa Akita at pinalitan ito ng biyahe ng bus.

Source: ANN News

To Top