Malawakang pagbibigay ng bakuna sa Russia, Sinimulan na
Ang malawakang pagbibigay ng domestic coronavirus vaccine ay nagsimula na sa Moscow, Russia. Simula noong December 5, ang bakuna na pinangalanan nilang ” Sputnik V ” ay inumpisahan na sa may 70 ospital sa Moscow. Ito ay inilaan para sa mga medical personnels at mga guro na naninirahan sa siyudad, at nasa 5,000 katao na ang bilang ng mga nag-apply para dito. Dahil hindi pa natatapos ang clinical trials para sa nasabing bakuna, ang bisa at kaligtasan nito at kinekwestyon ngunit desidido ang administrasyon ni Putin na isulong ang mataas na antas ng medical care sa kauna-unahang malawakang pagbibigay ng bakuna kontra coronavirus sa buong mundo.
Source: ANN NEWS