Culture

All-Male Filipino Chorale Aleron Nagwagi sa Chamber Contest ng Japan

Aleron

Panalangin, talento  at tibay ng kalooban ang ilan lamang sa mga sikreto ng all-male Filipino choir na nagwagi sa isang prestihiyosong paligsahan na ginanap sa Japan, isang taon na ang nakakalipas. Ang kanilang nakamamanghang pangkat ay tinaguriang ALERON. Nakuha nila ang unang gantimpala sa  31st  Takarazuka International Chamber Chorus Contest. Ang timpalak na  ito ay lubos na sinuportahan ng National Commission for Culture and the Arts. Tinalo ng Aleron ang 22 harmonic groups upang kanila ring mapanalunan ang Folklore at Contemporary categories.

Takarazuka International Chamber Chorus Contest

Samantala, ang TICCC ay isa sa mga pinakatanyag na Japanese Festivals na naitatag noong taong 1984. Ito ay may layuning hikayatin ang iba’t-ibang performers sa buong mundo. Ginaganap ang paligsahan sa Vega Hall, Takarazuka. Ang Takarazuka ay ang tinaguriang Japan’s City of Music. Ayon sa mga namumuno ng Takarazuka, ang TICCC ay may adhikain ring palakasin ang chorale singing spirit sapagkat sila ay naniniwala na ang musika at sining ay nagsisilbing beacons of peace.

Lahat ng nagwagi sa chamber chorus contest na ito ay nabigyan ng pagkakataong makapagtanghal sa isang konsiyerto ng isang popular na all-female musical theater group sa Osaka na tinatawag na Takarazuka Revue.

Sino ang ALERON?

Ang ALERON ay isang all-male chorale group na hinango ang kanilang kakaibang pangalan sa isang Latin na salita na ang ibig sabihin ay “the winged one.” Sila ay binubuo ng mga alumni ng Ateneo de Manila High School Glee Club at ang mga piling miyembro nito. Sumikat ang ALERON sa pangunguna ng kanilang conductor na si Christopher Amado Ong Arceo.

Lumahok ang ALERON sa kanilang kauna unahang international chorale competition sa ilalim ng Vocal Ensemble Category ng 1st Andrea Q. Veneracion International Chorale Festival na ginanap sa Maynila noong August 2013.

Sinundan ng isa pang panalo sa 10th Busan Chorale Festival and Competition sa South Korea. Muli, noong November 12-16 2015 ang ALERON  ay lumaban sa Macau.

Hindi matatawaran ang dedikasyon at deteminasyon ng mga Pinoy na mang-aawit sa  pagpapamalas ng kanilang angking talino at galing sa Japan, upang sila’y maging higit na kahanga-hanga sa larangang pinakamalapit sa kanilang puso higit sa ano pa mang bagay dito sa mundo.

To Top