Isang 59-anyos na lalaki ang inaresto noong Sabado sa Nara Park, sa prepektura ng Nara, dahil sa palihim na pagkuha ng video ng panloob na kasuotan ng isang babae. Ayon sa lokal na pulisya, inamin ng suspek na ang ganitong uri ng video ay nakakakuha ng maraming views sa YouTube, kaya’t tumataas ang kanyang kita. Aminado rin siyang sadyang pinuntirya ang mga dayuhang babaeng turista.
Nahuli ang lalaki matapos mapansin ng isa pang lalaki ang kanyang kahina-hinalang kilos habang kinukuhanan niya ng video ang isang babaeng nakaupo kung saan kita ang kanyang panloob. Tumawag agad ng pulis ang nakakita, at nang inspeksyunin ang cellphone ng suspek, natuklasang marami pang kahalintulad na video ang nakaimbak dito.
Tumaas ang mga ganitong insidente sa nasabing lugar kamakailan, lalo na sa mga babaeng pinaniniwalaang mga dayuhang turista na kinukuhanan ng video nang walang pahintulot habang nagpapakain ng mga usa o kumukuha ng litrato sa parke.
Source: Japan News