MANILA, PHILIPPINES – Ang pinaka-aantay ng mga taga-norte ng Metro Manila, ang MRT-7. Ito ay isang railway project na magdudugtong sa North Ave. hanggang San Jose Del Monte Bulacan. Makakatulong ang proyektong ito upang mapaluwag ang traffic sa Caloocan at NLEX.
Ang proyektong ito ay inumpisahan ng dating Pangulong Aquino at kasalukuyan na itong itinatayo. Layon ng MRT-7 na mapaiksi ang travel time mula 3.5 na oras sa isang oras na lamang. Ito ay binubuo ng 14 na istasyon sa pagitan ng Quezon City at Bulacan. At ito ay iaasahang makapagsasakay ng 350,000 na pasahero kada araw.
Ang proyektong ito ay inaasahang matatapos sa taong 2020 na nagkakahalaga ng Php 69.30-billion. Dagdag pa sa proyektong ito, magtatayo din ang gobyerno ng highway na may 6-lanes na magdudugtong naman sa San Jose Del Monte Station patungong NLEX Bocaue Interchange.
Ang railway project na ito ay binubuo ng mga istasyon mula (1) North Ave Station ng MRT Line 3, (2) Quezon Memorial Circle, (3) University Avenue, (4) Tandang Sora, (5) Don Antonio Heights (Commonwealth), (6) Batasan, (7) Manggahan, (8) Doña Carmen (Fairview), (9) Regalado Highway, (10) Mindanao Avenue, (11) Quirino Highway, (12) Sacred Heart (Caloocan), (13) Tala (Caloocan) at, (14) San Jose Del Monte (Bulacan).
SOURCE: OFFICIAL GAZETTE, DOTC, SMC.
#Japinoy #Japinonet