MANILA, PHILIPPINES – Inamin ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa na na-alarma siya sa pagiging positibo sa illegal drugs ng siyam na pulis na kabilang sa mga sumailalim sa drug tests na mga tauhan at opisyal ng pambansang pulisya
“Sinabi ko na I have zero tolerance on illegal drugs tapos heto at may magpa-positive pa sa mga pulis ko”, pahayag ng PNP Chief.
Ang nasabing siyam na mga pulis ay kabilang sa 2,405 PNP personnel na unang sumayang sa biglaang drug test pag-upo sa pwesto ni Dela Rosa bilang bagong hepe ng Philippine National Police.
Binigyan-diin pa ng opisyal na walang palulusutin sa kanilang hanay dahil kailangang sumalang sa drug tests ang lahat ng 160,000 na PNP personnel sa buong bansa.
Ang mga magpo-positibo sa pag-gamit ng iligal na droga ay otomatikong isasalang sa confirmatory test at kapag sila’y nagpositibo pa rin dito ay kaagad silang sisibakin sa pwesto maliban pa sa kakaharapin nilang mga kasong kriminal at administratibo.
Nauna nang nagbigay ng 48-hours ultimatum si Dela Rosa sa mga tauhan ng PNP na sangkot sa illegal drugs na magbitiw na lamang sa pwesto o di kaya ay maging full-time drug personalities.
SOURCES: radyo.inquirer.net
#Japinoy #Japinonet