Isang estudyante babae na naka-earphone habang nagbibisikleta ang nakasagi ng isang matandang naglalakad. Ayon sa report, ang estudyante ay may hawak hawak na cellphone sa kaliwang kamay habang ang isang kamay naman ay may hawak na inumin habang nagbibisikleta. Huli na ng mapansin niya ang matanda kung kaya’t sumalpok sya dito at nagkabanggaan sila na kung saan ang matanda ay natumba sa estribo at nabagok ang ulo na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Noong disyembre ng nakalipas na taon, isang 77 taong gulang na matandang babaesa kawasaki city, kanagawa prefecture ang nakabanggaan ng hindi sinasadya ng isang estudyanteng babae. Namatay din ang matanda makalipas ang 2 araw dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito. Ayon sa mga pulis, masaydung busy at wala sa kalsada ang atensyon ng estudyante kung kaya’t nangyari ang insidente.
Inaresto ng mga pulis ang estudyanteng nakabangga dahil diumano sa pagpapabaya sa pagmamaniubra ng bisikleta noong ika-15 ng Pebrero ngayong taon.
Giit naman ng akusado: ” Hindi ko sya talaga sya nakita, nung mapansin ko na lang huli na at wala ng oras para magpreno pa. Hindi ko alam na hahantong sa ganun ang sitwasyon, Hindi ko po sinsadya. Paumanhin sa aking nagawa.
https://www.youtube.com/watch?v=MQAHHSjHt7A
Source: ANN News