General

May utang pero ayaw magbayad? Ito ang pwede mong gawin!

May negosyo ka ba, maliit na pagkakitaan o kaya naman ay sari-sari store lamang. Tapos andaming may utang sa iyo na ilang buwan mo ng sinisingil pero ayaw kang bayadan, bagkus ay nagtatago o kaya naman ay puro pangako na napapako.

Heto na ang kasagutan sa sakit sa bangs na dulot sa iyo ng mga mahilig umutang pero ayaw naman magsipagbayad.

Ayon kay Former Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, ang “Rule of Procedure for Small Claims Cases” ang nagbibigay ng pagkakataon para sa mga pribadong indibidwal o negosyante na magsampa ng kaso laban sa mga taong may pagkakautang sa kanila.

Upang makapagsampa ng kaso laban sa mga may atraso sa kanila gamit ang Rule of Procedure for Small Claims Cases, kinakailangan na hindi dapat hihigit sa P200,000 kasama na ang penalties at taxes (Kung meron man). Kapag ang perang involve ay higit sa halagang nabanggit kinakailangan nilang magpunta sa regular na korte.

May mga tips at procedures na ibinahagi sa publiko kung papaano sila makakapag file ng kanilang “small claims” nang hindi na nangangailangan pa na kumuha ng serbisyo ng abogado.

Basahin ang basic steps kung papaano gawin ang filing ng Small claims cases sa Pilipinas:
  1. Magpunta alinman sa mga sumusunod upang makapagfile ng inyong reklamo:
  • First level court sa lugar kung saan kayo nakatira
  • First level court sa lugar kung saan nakatira ang may utang sa inyo.

2. Ang First lever courts na nabanggit ay maaring alinman sa sumusunod:

  • Metropolitan Trial Court
  • Municipal Trial Courts sa mga syudad
  • Municipal Trial Court
  • Municipal Circuit Trial Courts

3. Magtungo sa Office of the Clerk of Court upang lagdaan ang mga sumusunod na forms:

  • Information for plaintiff/ Complainant
  • Statement of Claim
  • Certification of Non-Forum Shopping

4. Para sa complainant, kailangan mo din pirmahan ang isang Verified Statement of Claim kung saan nakalahad doon na lahat ng impormasyong iyong ibinigay ay pawang katotohanan lamang at walang ibang katulad na reklamong nakahain sa ibang korte o lugar.

5. Kailangang magbigay ng mga ebidensya o kahit anong importanteng dokumento na magpapatunay na may utang nga ang taong inirereklamo . Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Signed contract in between the defendants
  • Promissory notes, receipts, bank deposit slips, checks at iba pang documented papers.
  • Pinakahuling demand letter na may malinaw na tatak ng resibo at delivery date.
  • Affidavits ng mga saksi

6. Pagkatapos makumpleto ang lahat na ito, ang complainant ay  obligadong magbayad ng halagang P 1,250 upang maisampa na ang kaso.

Ano ang susunod na mangyayari?

Ngayon na na-isumite na ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at bayad na rin ang dapat bayaran. Mag a-assign ang korte kung sinong Judge ang hahawak ng kaso, at kung mapatunayan na legit nga ang reklamo at hindi gawa-gawa lamang ay makakatanggap ang magkabilang panig mula sa korte ng Summon, Notice of Hearing, Information of Defendant, Response Form at iba pang kopya ng mga dokumento.

Pagkatapos ng verification ay makakatanggap ang defendants ng Notice of Hearing na kung saan ay nakalagay ang schedule ng araw at oras ng pagkikita ng dalawang panig sa korte.

Sa pamamagitan ng Settlement Discussion, ang dalawang partidong involve ay maghaharap sa korte sa presensya ng judge upang ayusin ang dapat ayusin. At kung magkataong walang settlement na magaganap, uusad ang kaso sa court hearing sa araw ding iyon.

Pinakahuli, sa hearing ng kaso. Ang judge na mismo ang gagawa ng desisyon tungkol sa sinampang reklamo. Anuman ang maging desisyon ng Judge ay Final na at di na pwedeng baguhin o di kaya naman ay i-apela pa at kailangan ipatupad agad agad.

panuorin sa ibaba ang video na nagpapakita kung papaano nga ba ang pag fi-file ng “small claims” cases sa Pilipinas.

Source: ctto, youtube, google

 

 

To Top