Health

Measles cases rise in Japan as experts urge caution for travelers

Sa pagdami ng mga kaso ng tigdas sa Japan, nagbabala ang mga eksperto tungkol sa pangangailangang magdoble-ingat, lalo na para sa mga balak bumiyahe sa ibang bansa ngayong Golden Week holiday. Ayon sa Japan Institute for Health Security (JIHS), 78 kaso ang nakumpirma hanggang Abril 13 ngayong taon, na lumampas na sa 45 na kaso noong 2024.

Sa mga nahawa, 39 ang pinaniniwalaang nakakuha ng sakit sa labas ng bansa, karamihan mula sa Vietnam, pati na rin sa Thailand at Pilipinas. Samantala, 30 kaso ang naitala sa loob ng Japan, at siyam na kaso naman ang hindi matukoy kung saan nakuha ang impeksyon.

Ang tigdas ay lubhang nakakahawa at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng pulmonya at encephalitis, na maaaring ikamatay. Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga biyahero na tiyakin ang kanilang rekord ng bakuna bago umalis at bantayan ang kanilang kalusugan sa loob ng dalawang linggo pagbalik.

Kung makaranas ng lagnat o mga pantal, agad na kumonsulta sa isang medikal na institusyon at iwasang gumamit ng pampublikong transportasyon.

Source: Yomiuri Shimbun

To Top