Medical Bills sa Lahat ng Tokyo Wards, Magiging Libre sa mga High School Student at mga Younger Kids Mula sa Susunod na Taon
Binubuo ang Tokyo ng 23 ward at humigit-kumulang three dozen areas na na-classified bilang mga lungsod at bayan. Ang 23 ward ay ang most developed at centrally located, na nagbibigay ng closest access sa mga paaralan, lugar ng trabaho, at iba pang necessary facilities, ngunit ang kaginhawaan na iyon ay kasama ng mas mataas na gastos para sa mga presyo ng housing at consumer goods.
Ang paninirahan sa 23 ward ng Tokyo ay maaaring maging mas mura sa lalong madaling panahon, gayunpaman, dahil simula sa susunod na taon ang mga medical bill para sa mga high school student at younger children ay magiging libre. Ang plano ay inihayag ni Takaaki Yamazaki, alkalde ng Koto Ward, kasunod ng conference ng mga special ward’s mayor noong Hunyo 21.
Mula sa simula ng next fiscal year, ang Tokyo Metropolis (gaya ng tawag sa mga special ward, lungsod, bayan, at nayon ng Tokyo) ay magsisimula ng tatlong-taong programa kung saan ang mga bata hanggang high school-edad mula sa mga sambahayang may naaangkop na mababang kita ay sisingilin lamang ng 200 yen bawat pagbisita sa ospital. Gayunpaman, ipinahayag ni Yamazaki na ang 23 ward ay nagpasya na magpatuloy pa, at ganap na sasagutin ang medical expenses para sa mga high school student at younger children with no family income restrictions.
“This is being undertaken as a child-rearing support project by the 23 wards, a measure to address the declining birthrate,” sabi ni Yamazaki. “We reached this decision from the belief that in order to create a Tokyo in which it is easy to give birth and raise children, we should not place income restrictions on beneficiaries or ask them to personally pay medical bills.” Ang systema ay inaasahang papasok sa operation sa susunod na Abril.
Ang pagpapalawak ng mga benepisyo sa lahat ng pamilya, anuman ang kita, sa 23 ward (na may pinagsamang populasyon na halos 9.4 milyong tao) at ang pagwawaksi sa anumang mga self-payment requirement ay tinatantya na magtataas sa gastos para sa programa ng karagdagang 1.3 bilyong yen. Sinabi ni Yamazaki na sasagutin ng mga ward ang dagdag na gastusin na ito, ngunit naniniwala rin siya na dapat tanggapin ng central Tokyo Metropolitan government ang pasanin mula 2026.