Sa animal cemetery ng Itabashi-ku, Tokyo, na kung saan nakalibing ang nasa 250 na police dogs, ay nagkakaroon ng memorial ceremony ng dalawang beses sa isang buwan.
Ayon sa Chief ng division ng crime lab, ang ceremony ay isinasagawa para sa pagpapasalat sa mga aso sa kanilang serbisyo at kontribusyon sa imbestagasyon at mga rescues. May apat na bagong aso na inilibing sa semeteryo kasama ng iba.
Ang asong si “Ben” ay naging parte ng imbestigasyon ng nawawalang batang babae at natagpuan nya ito dahil sa pagkakilala ng amoy ng sapatos nito.
Ang asong si “Nap” naman ay na diskubre ang kinaroroonan ng suspek sa pamamagitan ng amoy ng sumbrero na naiwan nito sa crime scene. Sa police department may mahigit 30 na aso na tumutulong sa mga imbestigasyon.
Ang olfactory system o pang-amoy ng aso ay 4000-6000 beses na mas malakas keasa sa mga tao.
Source: ANN News