TOKYO – Isang pang-alaala sa dating Presidente ng Pilipinas na si Elpidio Quirino (1890-1956) ang ginanap noong Sabado sa Hibiya Park.
Si Quirino ang nagtakda ng isang normalisasyon ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Hapon. Ang pagbibigay amnestiya sa 105 na mga Hapon na naging kriminal ng digmaan ang naging daan sa usaping ito. Ito ay sa kabila ng pagkamatay ng kanyang asawa at tatlong anak sa kamay ng tropa ng mga Hapon noong World War II.
Ang pag-alala ay ginanap mismo sa ika-60 taong anibersaryo ng baylateral na relasyon ng bansang Hapon at PIlipinas. Ito ay dinaluhan ni Philippine Ambassador Manuel Lopez at dating Japanese Foreign Minister Masahiko Komura.
SOURCES: MANILA BULLETIN, INQUIRER.NET
#Japinoy #Japinonet