Isang piraso ng metal ang natagpuan ng isang estudyante sa isang bahagi ng fruit punch (prutas sa syrup) na inihain bilang bahagi ng pananghalian sa Aga Junior High School sa lungsod ng Kure, prepektura ng Hiroshima. Matapos ang insidente, agad na ipinahinto ng pamunuan ng paaralan ang pagkain ng naturang dessert.
Ang naturang panghimagas ay inihanda sa kusina ng Aga Elementary School, na nakatanggap din ng parehong pagkain at nakatapos na ng pananghalian bago natuklasan ang metal. Ayon sa mga awtoridad, ang piraso ng metal ay posibleng nagmula sa lata ng prutas na ginamit sa paghahanda.
Sa kabutihang palad, wala pang naiulat na kaso ng pananakit o epekto sa kalusugan ng mga bata o estudyante na kumain ng pagkain. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga opisyal upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente sa hinaharap.
Source / Larawan: Hiroshima TV