MANILA – Kinokonsidera ni President Duterte ang pagpapa-install ng mga cable cars sa Metro Manila upang mapagaan ang daloy ng trapiko.
Nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap sa mga kumpanya na nag-susuplay ng 35-seater na cable cars sa South America. Ito ay maaaring maging bagong uri ng transportasyon sa Metro Manila at para sa 12 milyong residente nito.
Kung ito ay ma-aaprubahan, ang proyektong ito ay maaaring itayo una sa Pasig at Makati kung saan naroon ang tinatawag nating business districts, ayon kay Arthur Tugade, DOTC.
SOURCES: ABS CBN NEWS
#Japinoy #Japinonet