News

Mga baboy sa isang farm sa Gifu Positibo sa Hog Cholera “Swine fever virus”

Matapos ang pagsusuri, inanunsyo ng National laboratory na positibo sa hog cholera o “swine fever virus” ang mga baboy sa isang pig farm sa Gifu City. Ayon sa kanila, ang bayrus o virus na ito ay katulad ng virus na matatagpuan sa ibang bansa.

Inihayag ng National Research and Development na ang swine fever virus na tumama sa isang pig farm sa gifu ay ang kauna-unahang kaso sa loob ng 26 na taon.

Dagdag pa ng Food Industry Research and Technology Research Organization, napag-alaman na ang virus na ito ay hindi kailanman nadetect sa japan. Dahil ang uri ng virus na ito ay katulad ng matatagpuan sa ibang bansa tulad ng Europe at ilang bansa sa asia, ipinagpalagay ng Agricultural research organization na maaring nanggaling nga sa ibang bansa ang virus na ito.

Dagdag pa nila: isang wild boar o baboy ramo ang natagpuang patay sa isang kanal na may humigit kumulang 7 kilometro ang layo mula babuyan na kung saan apektado ng nasabing virus.

Maaring ang swine fever virus na ito ay napakalakas kung kaya’t pinagiingat ang lahat ng nakatira malapit dito. Patuloy pa rin ang pagsusuri at pananliksik nila sa usaping ito magpasahanggang-ngayon.

 

Source: ANN News,

ctto: Image from google

Mga baboy sa isang farm sa Gifu Positibo sa Hog Cholera “Swine fever virus”
To Top