Mga bansang pasok sa travel ban ng Japan as of May27,2020
Ang Ministry of Justice ng Japan ay nagpahayag noong May 25 na palalawakin nito ang listahan ng mga bansa na napapailalim sa pagtanggi ng landing permit noong Mayo 27, upang makatulong na kontrolin ang pagkalat ng coronavirus. Noong ika-1 ng Abril, inanunsyo ng Ministri ang isang listahan ng 73 na mga bansa na sumailalim sa entry ban sa Japan.
Mangyaring tingnan ang artikulong ito para sa mga bansa na idinagdag sa anunsyo noong Abril 29.
Noong Mayo 16, ang mga sumusunod na 13 na mga bansa ay naidagdag sa listahan:
Maldives, Uruguay, Colombia, Bahamas, Honduras, Mexico, Azerbaijan, Kazakhstan, Cape Verde, Gabon, Guinea-Bissau, Sao Tome at Principe, Equatorial Guinea
Ang anunsyo ng May 25 ay magdadagdag ng mga sumusunod na 11 mga bansa sa listahan, na epektibo sa Mayo 27:
India, Pakistan, Bangladesh, Argentina, El Salvador, Kyrgyzstan, Tajikistan, Afghanistan, Ghana, Guinea, South Africa
Ang mga dayuhang nasyonalidad na nanatili sa mga bansang nabanggit sa itaas o teritoryo (at kasama ang 73 mga bansa na nakalista sa anunsyo noong Abril 1st) sa loob ng 14 na araw ng pag-apply para sa pahintulot sa landing, ay tatanggihan na ang pagpasok sa Japan.
Applicable din ang order sa mga dayuhan na residente na may mga sumusunod na katayuan sa paninirahan, kasama ang kanilang asawa at mga anak:
永 住者 (Eijū-sha) – Mga permanenteng residente
人 の 配偶 者 (Nihonjin no haigūsha) – Asawa ng mga Japanese Nationals
定住 者 (Teijū-sha) – Long-Term Permanent residente
Dahil dito, pinapayuhan ng Ministri na ang mga dayuhang residente na may mga katayuan sa paninirahan sa itaas ay iwasan muna ang paglalakbay sa mga bansa kung saan maaari silang mapailalim na madeny na makapasok sa Japan. Gayunpaman, sinabi rin ng anunsyo na sa ilalim ng mga espesyal na pangyayari, ang mga pagbubukod ay maaaring gawin sa mga indibidwal na kaso.
Ang entry ban ay hindi applicable sa mga mamamayan ng Hapon o Espesyal na Permanenteng residente (特別 永 住者).
Source: website ng Ministry of Justice, May 25, 2020 (sa wikang Hapon)