General

Mga Dahilan ng Irregular Menstruation

Irregular na Regla,

Ayon kay Dra.Liza Ong

 

Mayroong mga dahilan ang pagkakaroon ng irregular na pagreregla sa mga kababaihan. Ang normal na pagreregla ay dumarating kada 21-35 days kung saan kumakapal ang matres at nalalagas sa pagdating regla. Ang normal na tagal ng pagreregla ay umaabot sa 2-7 days.

 

Ang irregular na pagreregla ay maaaring humina, lumakas, sumobra sa pitong araw o mas mahaba ang pagdating sa 35 days.

 

Ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng irregular na pagreregla sa mga kababaihan ay bukol, mayoma na tumutubo sa matres, o mga polyps o cyst na tumutubo sa ovary. Ang pag-inom ng gamot para sa utak o depresyon ay maaaring magpahinto ng regla. Ang mga stress at nightshift workers ay maaaring magbago ang body clock o oras ng katawan gaya ng pag tulog na maaaring makaapekto sa pag reregla. Ang pageehersisyo ay magandang activity para sa katawan, ngunit kaag sumobra ay napapagod at nasstress ang katawan na maaari ring maging sanhi ng pagkaantala ng pagreregla.

 

Ang menopause ay dumarating sa edad na 48-55 years old kung saan hihina at tuluyan nang mawawala at titigil ang pagreregla ng mga kababaihan.

 

Kapag kulang sa nutrisyon at pagkain ng tama ay maaari ring maging sanhi sa pagkaantala ng pag reregla. Kapag mayroon namang problema sa hormones ay kinakailangan ng payo at konsultasyon ng mga doctor at specialist na tinatawag na “Endocrinologists“.

 

Kung mayroong nakikitang pagbabago sa sistema ng pag reregla ay mainam na magpatingin sa mga obgyne at mga health center upang makapagpasagawa ng eksamen at pelvic examinations. Kasama sa mga examinations ang labratory ng CBC at ultrasound. Ibabase sa resulta ang mga medikasyon na dapat gamitin para sa gamutan.

 

May kasabihan tayo na ang “Health is wealth.” Kaya mainam na magpatingin ng agaran kung mayroong kakaibang nararamdaman at agapan ang sakit habang maaga pa at may lunas pa ito. Ingatan ang kalusugan at iwasan ang pagkakaroon ng sakit.

To Top