Beauty

Mga dapat gawin para iwas tigyawat

Ang pagkakaroon ng tigyawat o pimple sa mukha ay normal lang sa kabataang lalaki at babae dahil sa kanilang hormones.

Pero payo ng mga doktor, maiiwasan ito sa pamamagitan ng:

*Pag-iwas sa pagkain ng junk foods at oily foods.
*Linisin ng bulak at cleanser ang mukha pagkagamit ng makeup.
*Maghilamos at huwag hahayaang ma­ging oily ang mukha.
*Linisin ang pimple (gamit ang nireseta ng iyong dermato­logist) para mapuksa ang bacteria.
*Iwasang matusok ng buhok ang mukha kapag natutulog dahil puwedeng mapunta dito ang dumi at magdulot ng pimples.
*‘Wag din itong titirisin.
*Uminom ng maraming tubig at kumain ng prutas at gulay.
*‘Wag hayaang ma-stress o sobrang mapagod.

Pimples: Bakit ito tumutubo?

Kalimitang sinasabi na kapag may tigyawat ka, in love ka.

Ilan naman ay naniniwalang nagbibinata ka na o nagdadalaga kapag tinutubuan ka na ng pimples.

Pero bakit kahit lagpas na sa kabanatang pagbibinata o pagdadalaga, ang ilang may edad na ay tinutubuan pa rin ng tigidig?

Totoong mas naglulutangan ang mga pimple sa mga bagets dahil sa nararanasang puberty.

Ito ay bunsod na rin sa mas mataas na lebel ng hormones sa katawan gaya ng testoste­rone sa mga kala­lakihan.

Nangyayari rin ito sa mga kababaihan dahil sa pagkakaroon ng unang regla o mens­truation.
Batay sa pahayag ng mga health experts, ang ating balat ay mayroong mga maliliit na butas o pores na tinatawag.

Kaakibat ng bawat butas ay mga buhok na kalimitang manipis at maliliit ang tubo. Hair follicles ang tawag sa dulo ng buhok na nasa loob ng balat.

Malapit sa hair follicles ang pinanggagalingan ng langis o oil.

Normal lang ang paglabas ng la­ngis dahil ito ang dahilan kung bakit hindi na­tutuyot ang ating balat.

Proteksyon din ito sa gabok, araw o mikrobyo.

Nagiging oily naman ang balat kapag sobra ang produksyon ng la­ngis.

Ang hindi regular na pagpapalit ng balat o ‘exfoliation’ ang kalimitang sanhi ng pagbabara ng pores.

Kapag pinagsama ang pawis, dumi, at sob­rang langis, maaaring tubuan ito ng mikrobyong sanhi ng pimples.

Source :Abante

 

 

 

Mga dapat gawin para iwas tigyawat
To Top