Mga Dentista sa Aichi, nakilahok na sa malawakang pagbabakuna.
Sa Aichi Prefecture, ang mga dentista ay nakilahok na rin sa pagbabakuna simula ngayong araw June 6, 2021 bilang tugon sa mataas na bilang ng mga taong naghihintay na mabakunahan ng bagong corona vaccines. Ang pagbabakuna ng mga dentista ay nagumpisa sa isang malawakang mass vaccination site sa Toyoyama Town, Aichi Prefecture. 6 na dentista ang nakilahok kasama ang 13 na nurses. Sa venue na ito ang target na bilang ng mababakunahan kada araw ay inaasahang tataas ng 2000 simula bukas, kaya naisipang bigyan ng awtoridad pati ang mga dentista na magturok ng covid vaccines. Ayon sa panayam kay Noriyasu Uchibori, Chairman ng Aichi Dental Association: ” Ang ating mga doktor at nurses ay pagod na sa pagtitingin at pag-gamot ng mga pasyenteng may covid, kaya layunin ng association na makatulong kahit konti.” Sa ika-9 ang 7 dentista ay madadagdagan at magiging 9 na katao na.
https://youtu.be/RBh6xIKuSaQ
Source: ANN NEWS