Ayon sa mga feng shui experts, isa sa nagpapagaan at pampabuwenas sa loob ng isang tahanan ay ang paglalagay ng mga bulaklak o halaman.
Ano-ano nga ba ang mga ito at ano ang hatid nilang suwerte?Ayon sa mga eksperto, mainam na maglagay ng ‘Aloe Vera’ dahil habang lumalaki ito ay naghihikayat ito ng suwerte at nakakatanggal ng bad vibes.Sa mga depress o may pinagdadaanan, ‘Lavender’ ang katapat dahil naghahatid ito ng masayang vibes. Mabisa umano itong pantanggal ng lungkot.
Bihira lamang ang halamang ‘Four Leaf Clovers’ pero naniniwala ang mga Irish na ang dala nito sa tahanan ay pananampalataya, pag-asa, pag-ibig at suwerte.
Sa mga dumaranas ng karamdaman, ang ‘Lucky Bamboo’ na may vertical shape ay nagbibigay ng positibong enerhiya para kalusugan. Bukod sa health ay may hatid din itong suwerte sa buhay at pag-ibig.
Sa mga nagugulumihanan, mainam ang ‘Money Plant’. Kilala rin ang halamang ito bilang golden pothos, hunter’s robe o silver vine na may malaking hatid ‘di lang para sa mga negatibong pag-iisip kundi pantanggal din ng stress at labis na pagkabahala.
May kamahalan man ang halamang ‘Rosemary’ ay malaking tulong anila ito bilang pampatalas ng isip at naghahatid din ng ginhawa sa tamang pagdedesisyon.
Source Abante