disaster

Mga ilang daan sa Fukushima hanggang Miyagi pansamantalang isinara dahil sa Lindol

Dahil sa epekto ng lindol, maraming daan mula Fukushima prefecture papuntang Miyagi prefecture tulad ng Tohoku Expressway ang isinara pansamantala. Ayon sa Japan Road Traffic Information Center, isinara ang Tohoku Expressway Koriyama Interchange hanggang Motomiya Interchange, at mula Shiroishi Interchange papuntang Hiraizumi Maesawa Interchange. Dagdag pa dito, ang Joban Expressway Hirono Interchange at ang Sanriku Expressway Kamaishi Tonicho Interchange ay sarado rin sa itaas at pangibabang linya. Ang Ban-etsu expressway ay sarado rin mula Koriyama-higashi Interchange papuntang Bandai Atami Interchange, mula Yamagata Expressway Murata Junction hanggang Sasaya Interchange, at sa lahat ng linya ng Sendai Nambu Road. Sa ngayon, ito pa lang ang mga kumpirmadong saradong daan sa trapiko, hindi pa matiyak kung kelan ito muling magbubukas sa publiko hangga’t hindi sigurado ang kaligtasan. Samantala wala namang mga isinarang daan sa Kanto Area.

https://youtu.be/y6GCI3kjDWE

Source: ANN NEWS

To Top