Maraming kasabihan at haka-haka ang mga matatanda na naisalin mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay parte na ng kulturang Pilipino at naituturo na sa mga eskwlahan. Ang karamihan ay naniniwala rito at mayroon ding hindi, ngunit ano nga ba ang mawawala kung paniniwalaan at susundin ang mga ito? Marami ang ipinagbabawal at ipinapagawa sa mga nagbubuntis o sa mga nakapalibot rito. Narito ang ilan sa mga kasabihan:
- Pag blooming ang buntis, babae ang anak. “Hindi ako naniniwala dito, kasi sabi sakin blooming daw ako tapos nung nagpaultra sound na ako lalaki ang baby ko.”
- Kung ano kinakain siyang bunga. “Ang ibig sabihin ko diyan ung paglilihi. Totoo ung kapag napaglihan mo daw ang ganito, may konti mapapansin ka na ganun nga si baby.”
- Kapag ano ang madalas gawin ng mommy nung nagbubuntis, ganun din si baby pag lumaki na. “Kunwari si momy daw nung nagbubuntis mahiyain, nagagalit o kaya iyakin kapag daw lumabas na si baby, ganun din daw siya hanggang sa lumaki.”
- Bawal magkwintas o ipalupot ang towel sa leeg o ulo. “Maaring ung pusod o umbilical cord ng bata ay pumalupot sa leeg niya habang nasa tiyan. “
- Bawal ang maglagay ng cuticle sa kuko kapag 7 months na. “Mas maganda daw kasi na cleaning na lang ang gawin sa mga kuko. Kasi sabi dito daw titingnan ang dugo ng buntis kapag manganganak na. “
- Maglagay ng binkis.(Bingkis-Telang malinis na pinunit. “Kamukha ito nung nilalagay na tela sa pusod ng bata pag bagong silang. Bigger version nga lang ung sakin. ) Nilalagay ito sa may itaas na parte ng tiyan, para daw ang sipa ng bata ay hindi masyadong maramdaman ang sakit.”
- Maglagay ng medyas kapag matutulog. “Para daw ung lamig hindi pumapasok sa katawan. At para maiwasan din ang pamumulikat. “
- Bawal pumunta ang buntis sa sementeryo. “Maninigas daw ung tiyan. At pwedeng mahirapan manganak.”
- Pwedeng makipaglamay pero huwag sisilip sa patay. “Hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito, pero ang sabi baka daw manigas ang bata sa loob ng tiyan. “
- Kapag ililibing na ang patay, dapat nauuna ang buntis papunta sa sementeryo. “Hindi ko rin ito sure, pero ang pagkakaalam ko ang ibig sabihin nito, para daw hindi sumunod ang baby sa patay. (Katakot!!)”
- Bawal maligo ng hapon at bawal din matulog ng hapon. “Para daw hindi ako pulikatin. Hindi ko masyadong nasusunod ito kasi pag inaantok na ako. Matutulog talaga ako. “
- Bawal magsoftdrink ang buntis. “Sabi kapag daw kasi umiinom ka ng softdrink ung ulo daw ng bata titigas. “
- Bawal magpabunot, o kahit anong treatment concerning with the teeth. “Maari daw kasi maraming mawalang dugo sakin. Kaya nga super tiis ako sa sakit ng ngipin ko (Wisdom tooth ko kasi nagpaparamdam na naman). Ayon naman sa research ko, pwede naman daw ung cleaning lang ng ngipin. Pero ung matatanda, sabi mas mabuting huwag na lang. “
- Bawal nakatambay sa may pintuan, nakaupo sa hagdan, at bawal din ung hindi natatapos ung steps sa hagdan o urong-sulong sa hagdan. “Mahihirapan daw ang buntis manganak. Maari daw na mag urong-sulong ang baby kapag ilalabas na.”
- Huwag nagpapahamog. “Mahihirapan daw akong manganak. Titigas ang ulo ng bata.”
- Kapag pupunta sa simbahan, lagyan ng holywater din ang tiyan. “Diba kapag papasok ng simbahan may Holy water dun, tapos mag sign of the cross. Kapag daw ginawa mo un, isasama mo rin daw si baby. Pahiran din daw ang tiyan para daw pag nanganak madaling ilalabas ang baby. “
- Kapag nandyan na si baby, pasuotin ng mga napaglumaang damit. “Kahit isang pares lang. Basta importante, makapagsuot ng luma ang baby. Para daw pag lumaki na ang baby, matipid sa lahat ng bagay at hindi laging naghahanap na bago.”
- Kapag gustong maging singer ung baby, habang nasa tiyan pa lang makinig na ng mga music. “Mas maganda daw kung matataas na tono ng awitin ang patutugtugin, para sure.”
– The love of 28th,
– Bawal tumambay/magstay ang buntis sa pintuan
– Kailangan maligo kapag lumindol at bawal tumingin sa buwan/eclipse
– Hakbangan ang asawa para siya ang maglihi
Ipinaliwanag ni Clifford Sorita, sociologist, ang konsepto ng paglilihi.
“You are what you eat.”
Ang pagkakaroon ng magandang itsura ang pangunahing dahilan ng paglilihi kaya naman an tradisyon na ito ay sinusunod ng mga karamihan. Kung ano raw ang kinain, yun ang magiging itsura mo. Ito ay ginawan ng “localized twist” na ng mga Pilipino.