Mga kaso ng nahuhulog na wireless earphones sa railtracks ng tren, dumarami
Ang mga wireless earphone ay nagiging mas popular sa panahon ngayon, ngunit ang mga kumpanya ng riles ay tumatawag ng pansin dahil sa pagtaas ng bilang ng mga problema ng pagkahulog ng mga ito mula sa platform ng mga istasyon papunta sa mga riles ng tren. Ayon sa JR East, ang bilang ng mga problema sa pagkahulog ng mga wireless earphone sa mga riles ay dumarami, at sa mga istasyon sa Tokyo metropolitan area, mayroong humigit-kumulang 300 na mga kaso bawat buwan, na itinuturong kumakatawan sa isang-kapat ng mga report ng nawawalang item sa mga riles ng tren. Kadalasang kinukuha ang mga wireless earphone gamit ang isang tool na may hawakan at tinatawag na “magic hand”, ngunit dahil mahirap itong kunin lalo na kung ito ay nasa pagitan ng mga bato dahil maliit at magaan ito. Sinubukan itong gawin ng reporter sa video upang makumpirma nga. Kung kaya’t sila ay nakahanap ng solusyon rito, at ito ay ang paggamit ng isang vacuum na may special na nozzle sa dulo.
Source: TBS NEWS