Papasok na naman ang taglamig. Kahit saang parte ng bansa ay talaga namang mapapansin ang makakapal na yelo. Sa mga pagkakataong ito, marami sa atin ay ayaw ng lumabas lalong-lalo na kung wala naman tayong importanteng bagay na gagawin sa labas. Sa isang banda, handa na ba tayo sa taglamig? Kung ang sagot mo ay oo, ano-ano ang mga bagay-bagay na nais mong gawin sa tuwing taglamig? Eto ang ilan sa maaaring pagkaabalahan tuwing taglamig:
Turuang magluto ang mga anak
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagka-inip ng mga bata at sa halip ay matutuwa sila dahil kahit na nasa bahay lang ay may natutunan siya. Pwede silang turuan kung paano mag-bake at mag-halo halo ng mga sangkap sa pagluluto. Ang mga bata ay malikhain kaya maaari silang turuan mag-design ng cake hayaang mag sprinkle ng cookies, chocolate chips at iba’t- ibang disenyo na meron para sa cake.
Ito ay napagandang bonding activity ninyong mag-ina o mag-pamilya. Siguraduhin lamang na alalayan ang mga bata sa mga bagay na matutulis at maiinit na maaaring makapaso ng balat.
Lumikha ng Musika
Gamit ang wooden spoon, tambourine, lata at kung anu-ano pa na pwedeng gamitin sa paglikha ng musika. Sa ganitong paraan ay maiibsan ang pagka-bored ng mga bata. Makikita din natin kung ang bata ay may hilig sa musika. Siya ay sasagot sa pamamagitan ng pag-indak or pagpalakpak ng mga kamay.
Maglaro ng Bola
Kapag ang bata ay nasa 6 na buwan na at nakakaupo na, maari mo siyang bigyan ng bola. Hayaan mo siyang kunin at paglaruan ito. Kapag nakitang natutuwa ang bata, bigyan pa siya ng 2 bola o higit pa. Hayaan natin siyang mag-explore.
Magbasa ng Libro
Sa sofa, kayo ay humiga at basahan mo ng libro ang mga bata. Sila ay tiyak na matutuwa kapag naririnig nila ang boses ng kanilang nanay simula 6 na buwan hanggang 12 na buwan. Ang ibang bata naman ay kayang gayahin ang ilang salita na binibigkas ng kanilang ina lalo na kapag ang edad ay nasa isang taon gulang pataas.
O hayan mga nanay, di natin kailangan mainip sa bahay tuwing taglamig. Maging mapanuri lang tayo sa paligid dahil napaka-raming maaaring pagkaabalahan tuwing taglamig.
image credit: www.echinacities.com