Despite the efforts ng current administration na linisin at isa-ayos ang airports natin sa pilipinas, mayroon pa ding mga kawatan na walang takot at talagang hindi mapigilan at masugpo sa ating mga paliparan sa pilipinas. Kamakailan mayroon na namang biktima sa Naia Terminal 3. Isang netizen ang naglabas ng kanyang saloobin sa Facebook noong March 5,2018 dahil sa hindi kagandahang karanasang inabot mula sa Cebu Pacific Airways Narita-Manila vice versa flight. Inirereklamo nya ang pagkakasira umano ng locks ng kanyang maleta na pinaniniwalaan nyang pinilit at sinadya ngunit ang sagot naman ng Airline ay kaya daw nasira ang locks ng kanyang maleta dahil daw sa “movement ng eroplano” at binibigyan sya ng 2000php compensation para sa pangyayari. hindi satisfied si ate sa naging tugon at sa ini-offer nilang pag-areglo sa insidente kaya dinaan na lang nya sa post sa facebook ang pag-rant ng kanyang saloobin upang maging aware ang lahat at makarating sa kinauukulan at mapagtuunan ng pansin ang kanyang reklamo.
narito ang original post ni ate at kayo na ang humusga:
” NAIA Terminal 3 (March 3, 2018 1AM)
Gaano ba talaga karami ang mga magnanakaw dyan? Bat hanggang ngayon hindi pa din maubos-ubos? Yung tatlong locks ng maleta ko, pinilit buksan. Kita sa video na sinira yung dalawa. Tapos yung de-number na lock, nakapindot din yung mga numbers. Hinuhulaan siguro yung code.
Sabi ng Cebu Pacific, within 24hrs eh magbibigay sila ng update. Wala pa din ngayon. Ano na? Ganun na lang?
Direct flight ‘to from Narita(Japan) to NAIA Terminal 3.
UPDATE: Cebu Pacific just tried to offer me 2,000 pesos for compensation. Based daw sa investigation nila, possible na dahil sa movement lang daw ng eroplano kaya nasira yung mga locks ko. MOVEMENT NG EROPLANO?? Sabi ko ang galing naman gumalaw nung eroplano kasi mga kandado ko lang talaga yung pinuntirya. Tinanong ko kung nacheck ba nila yung mga CCTV sa airport, hindi daw kasi mahirap daw irequest yun. So pano sila nakarating sa conclusion na walang gumalaw sa maleta ko? Tatawag na lang daw sya ulit mamaya. Waiting for the call..
Cebupacificair.com
Ninoy Aquino International Airport“
https://www.facebook.com/gladys.broce/videos/pcb.1801431963220627/1801425503221273/?type=3&theater
Source: Facebook Profile Glad Borce
You must be logged in to post a comment.