Lifestyle

Mga Mahahalagang Alituntunin para sa Matagumpay na Paglalakbay Gamit ang Low Cost Flight Carriers

low cost flight carriers

Ang paglalakbay ay hindi lamang isang pribilehiyo ng iilan kundi ito ay para sa lahat sa atin na nagnanais maranasan ang kakaibang saya na dulot nito.  Nakapagliwaliw ka na ba sa  ibang bansa o sa Pilipinas gamit ang low cost flight carriers?  Ito ay isa sa mga pinakamurang paraan ng pakikibahagi sa ibat-ibang kultura ng ibang bansa upang ating malaman kung paano nabubuo ang isang mayabong at makabuluhang cultural identity ng bawat tao.

Ang pinakamagandang benipisyo nito ay ang pagkakaroon ng panibagong sigla ng katawan, kaluluwa, puso at isipan. Ating alamin ang mga simple at maginhawang paraan ng pakikipamayan sa ibang panig ng daigdig sakay ng mga pinakamagagandang LCC’s na naimbento ng tao.

 

Dapat

  • Magdala lang ng mga mahahalagang gamit upang maging magaan ang inyong bagahe. Huwag bibili ng mga signature brand luggage upang di maging pansinin.
  • Alamin ang tungkol sa inyong seguridad o kaligtasan. Maging kasapi ng TSA Pre-Check Program kung kayo ay nakatakdang magbiyahe saan man sa mundo. Kung kayo ay nasa Pilipinas, kumonsulta sa inyong LCC provider upang mabigyan kayo ng tamang gabay at proseso na may kaugnayan sa  inyong kaligtasan. Ilan sa mga magagandang epekto nito ay ang background checking procedures, fingerprint at pati na ang eksaminasyong medical.
  • Magsagawa ng mga madaliang pre-flight rituals. Kabilang dito ang kongkretong pagpaplano bago maglakbay kasama ang inyong napiling LCC. Tulad halimbawa ng pagdadala ng inyong mga beauty regimen essentials na dapat ilagay sa mga malilit na sisidlan. Pagkatapos, pagsama-samahin ito sa iisang bag na kung tawagin ay zip top. Sa ganitong  paraan, ang modernong X-ray machine sa airport ay di mahirapang inspeksynin ang mga laman nito.
  • Gumawa ng maikling listahan ng mga bagay na pwedeng dalhin sa LCC. Lubhang malaki ang magagawa nito upang maiwasang maantala ang inyong byahe.
  • Magbihis ng maayos. Ang maayos na kasuotan ay nagpapakilala ng ating pagkatao. Ang inyong damit ay dapat naayon sa klima ng bansang inyong nais mapuntahan.
  • Maglaan ng isa hanggang dalawang oras bago ang inyong flight. Alam nating lahat na ang traffic ang pinakamatinding problema ng isang LCC traveler. Kaya, nararapat lamang na dumating sa paliparan ng mas maaga para sa iba pang mga dapat isaggawa bago sumakay ng low cost carrier.
  • Online Check-in. Ayon sa mga dalubhasa, ito ay magbibigay daan upang magawa na ang iyong boarding pass sa bahay. Upang maging mas madali, maaari ring ipadala ang boarding pass sa iyong mobile phone.

 

Di Dapat

  • Huwag magdala ng mga bagay na ipinagbabawal. Kabilang dito ang anumang matatalas tulad ng mga sumusunod: aerosol, blasting cups, electronic cigarettes, mga nakabalot na regalo at iba pa.
  • Alisin ang mga bagay na yari sa metal. Ilagay ang mga ito sa carry all pouch or luggage. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod – cellphones, alahas, barya, belt buckles at iba pa.
  • Huwag maglagay ng mga undeveloped films sa inyong bagahe. Ang mga TSA equipment ay maaaring sirain ito kapag inispeksiyon ang inyong mga maleta or luggage.
  • Huwag magdadala ng mga inumin sa screening and checkpoint area ng paliparan.
  • Huwag iwanan ang inyong mga bagahe sa mga pampublikong lugar.
  • Bawal tumanggap ng ibang mga bagahe mula sa mga taong di kilala.
  • Bawal magdala ng mga di deklaradong hayop sa loob ng LCC.

 

Ang masayang paglalakbay ay may mga kaakibat na wastong pag-uugali at responsibilidad. Salamat sa mga low cost carriers sa ating modernong panahon. Tunay nga na ang pagpunta sa ibang bansa ay higit pa sa pisikal na aspeto nito. Halina’t ating namnamin ang kakaibang kahulugan nito sa ating pagkatao at kultura.

image credit:  gurmit singh/Flickr

To Top