Sa bansang Japan, ito ay may annual celebration para sa mga anime fans. Ngayong taon, ito ay ang Anime Japan 2016. Ito ang pinagsama-samang mga pangyayari ng Tokyo International Anime Fair at Anime Contents Expo. Sa kabuuan, ang mga nasabing festivities ay pinag-isa at ito ngayon ay ang Anime Japan. Bilang pagpapahalaga sa mga pangunahing kontribusyon nito sa mundo ng Japanese anime, ito ay tinaguriang “pinakamalaking na anime event sa mundo.” Ito ay gaganapin sa Tokyo Big Sight, East Hall 1-6, mula ika-26 hanggan 27 ng Marso, 2016. Ang nakaaaliw na pagtatanghal na ito ay magsisimula sa ganap na 10 A.M.-5:00 P.M.
Ang espesyal na pagdiriwang na ito ay sadyang inilaan para sa mga milyong milyong tagahanga ng Japanese anime sa buong mundo, license holders at mga negosyante.
Anu-ano nga ba ang mga kaganapan kapag sumasapit ang Anime Japan? Basahin natin ang isang halimbawa.
Events Itinerary
9:25〜 Washisuta Presents Starchild (Red)
10:15〜 Valkyrie Drive (Blue)
11:25〜 Garo Special Stage (Green)
14:05〜 Kekkai-sensen (Green)
15:25〜 Dragonball Z (Green)
16:05〜 Gargantia (Blue)
18:20〜 Gunsuringa Sutoratosu (Green)
19:00〜 Hibike Youfoniamu (Red)
Mga Proseso sa Pagkakaroon ng Tiket
Ang mga mapapalad na manonood ng Anime Japan 2016 sa taong ito ay dapat mamimili ng first at second choice of stages na siya namang aayusin ng mga kinauukulan sa lalong madaling panahon. Pagkatapos nito, magbabayad ang mga anime spectators para stage viewing tickets maliban pa sa admission tickets.
Sa kabilang dako, ang mga bilang ng stage tickets ay limitado lamang. Samantala, sakaling di maayos ng isang organisasyon ang ukol sa ticket reservations, Ibabalik nila ng buo ang inyong reservation fee.
Pagdedeliver ng Tiket
Ang mga tiket ay dinadala ng personal sa inyong hotel room ilang araw bago ang palabas. At ang inyo na mang assigned concierge ay itatago ito para sa inyo. Ang mga nasabing tikets ay makukuha ninyo sa oras na kayo mag check-in.
Para sa karadagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website na ito:
https://www.govoyagin.com/activities/japan-tokyo-get-tickets-for-anime-japan-2016/1288
Makisaya at tunghayan ang annual Anime Japan 2016 at ating alamin kung paano nito napapasigla ang nakatutuwang dimenyon ng Japanese anime.
Related Posts:
Ang Makulay na Kasaysayan ng Anime Japan 2016