Mga pagbabago sa Coronavirus Special Measures Law, planong isulong ng gobyerno
Maingat ang gobyerno ng Japan tungkol sa isyu ng mga planong pagbabago sa New Coronavirus Special Measures Law.
Pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe: ” Gagawin ng mga kinauukulan ang lahat ng makakaya upang malunasan at mapigilan ang mas lalong paglala ng kaso ng mga hawahan, at isusulong ang mga planong revision upang magkaroon tayo ng special measures law tungo sa mas mabuti at organisadong sistema.”
Patungkol sa Special Measures Law, may mga panawagan mula sa ruling party na irebisa ito upang mahigpit na maipatupad ang mga hiling ng “leave requests”, ngunit nagdadalawang isip ang Prime Minister Abe sa isyung ito. Dagdag pa nya, mas kinokonsidera nya ang ” karagdagang suporta para sa isyung ito” kung kinakailangan, patungkol sa medical field, at binigyang diin na iniisip nyang magbigay ng karagdagang financial support base sa mga management situation ng mga ospital.
Sa kabilang banda, sa usaping Obon Homecoming na nakasanayan na ng lahat, hindi ipinipilit ng pamahalaan ang striktong pagpapatupad na huwag maglakbay, ipinauubaya na nila ito umano sa mga lokal na gobyernong sumasakop sa bawat lugar lalo na sa mga may mataas na bilang ng impeksyon. Tanging hiling lang ng pamahalaan ay iwasan ang “matataong lugar, paglalagi sa mga may masisikip at saradong bentilasyon, at ugaliin ang disinfection at pansariling pagiingat tulad ng social distancing at pagsusuot ng masks sa paglabas.
Source: ANN NEWS