Mga pagguho ng yelo at makakapal na snowfall, pinangangambahan sa tuloy tuloy na pagulan ng snow sa Northern Japan
Walang tigil ang pag-ulan ng snow mula sa Hokuriko hanggang Sea of Japan bandang hilaga ng bansa. Inaasahang magpapatuloy pa ito kung kaya’t binibigyan ng babala ang lahat na mag-ingat sa posibilidad ng mga pagguho, at pagbigat ng trapiko dahil dito. Dahil sa winter-type pressure, walang tigil ang pagpatak ng snow 2 araw na ang nakakaraan. Mula Tohoku hanggang Hokuriko, dumoble ang kapal ng snow sa normal na level nito. Dagdag pa rito, lumampas na ng 2 metro at 50 centimeters ang snow level sa Hijiori, Okura Village, Yamagata Prefecture. Inaasahang aabot pa sa 70cm sa Hokuriko at 40cm naman sa Tohoku ang kapal hanggang bukas. Pinag-iingat ang lahat sa posibleng pagguho ng mga naipong yelo at mabibigat na pagpatak ng snow pati na rin sa maaring epekto nito sa trapiko at power outrage dahil dito.
https://youtu.be/r1jyFmNLUtg
Source: ANN NEWS