Ang “Ones Mother Hoikuen” daycare sa Himeji City, Hyogo, ay kasalukuyang ini-imbestigahan sa pagtanggap ng mga estudyante na lagpas na sa bilang ng kapasidad na posible ng hindi pinapaalam sa munisipyo. Isang surprise survey ang isinagawa at napag-alaman na ang nursey ay may tinatago itong mga irregularities.
Ang mga documento ay posibleng pineke at ang pagtago ng mga ibang impormasyon sa student register. Ayon sa headmistress ng nursery ay wala siyang kinalaman sa naturang overcrowding, at tinangap nila ang mga bata na kung saan ang mga magulang ay nangangailangan. Nadiskubre din na ang mga school meals ay hinahati sa 68 na bata na kung tutuuisin mayroon lang itong 40 servings kada araw.
Bukod pa sa pagkawala ng authorization issued by the Hijemi prefecture, isang police investigation din ang isasagawa laban sa day care center.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=RoHu1GY3lNk